Monday, May 02, 2016
Wednesday, December 28, 2011
Heto at nakaraos na kami sa aming kasal. Matagal na din pala nung huli akong sumulat dito. Isa pa pala akong dakilang tambay nung huli kong sulat.
Sadya talagang may mga decision ka sa buhay na hindi natutupad ng ayon sa iyong kagustuhan. Marahil nga ay may mas magandang decision para sa amin ang nasa itaas. Kasama na din siguro dun na kailangan kang mag sakripisyo para sa ika uunlad namin. Sabi nga eh, subukan muna, pag hindi ok, eh di alis na.
Marami pa ang darating na unos sa amin. Marami pang mga decision na kailangan ng attensyon.
Gaya na lamang ng pinag iisipan ko sa ngayon, ang aking trabaho...
Sabihin na nating hindi na nga maganda ang lagay ko dahil siguro na nga ay napapag initan tayo dito. Kung ako ay "single" pa, iniwanan ko na ito.
Kaso hindi na eh.. Sabi nga sa akin ni Alex Gelacio, "Ngayon ay hindi na puro AKO, dapat TAYO na lagi. Ang mindset ay laging para sa ikakabuti ng pamilya ko"
May punto nga naman. Naway makaraos tayong lahat sa anumang pagsubok na haharapin natin sa taong 2012... Happy New Year po...
Thursday, March 03, 2011
Heto na naman ang Biyernes. Natapos na po ang unang linggo ng Marso at isa pa din akong dakilang tambay. Kelan kaya ako magkaka gana na seryosong maghanap ng trabaho? Bakit ba ako eh sobrang tinatamad at di makatayo ng kama para maghanap ng trabaho?
Ito na marahil ang pinaka matagal kong pagkakatambay. Dalawang buwan na din ang nakakalipas ng huminto ako sa pagpasok. Ang pinakamatagal ko dati ay isang buwan lang. Nawa'y matulungan ako ng nasa itaas para makapag hanap ng trabaho sa Lunes. Kailangan na talaga. Kaka badtrip din yung ganito eh. Di ko magawa ang mga gusto kong gawin dahil walang budget.
Masarap din pala yung pag minsan eh pag uwi mo galing trabaho eh may mag tatanong sayo... "Kamusta ang araw mo?" Minsan din kasi di na kita natatanong. Sorry po ha kung minsan eh talagang, sabi mo nga, "insensitive" ako. Sana masaya ka pa din sa akin kahit na ganito ako. Dito ko na lang ilalabas ang lahat at alam ko naman na hindi ka nagbabasa ng ganito. Hindi ko nga alam kung naalala mo pa na may blog ako eh. Pero ok lang. At least may konting space pa din ako para sa akin. Ito yung space ko.
Sa laki ng universe, itong kakarampot na page na ito na wala namang bumabasa ang para sa akin. Masaya na ko dito. Sana nga hindi mo na malaman ito para at least eh may gagalawan pa din ako.
Sabi ng iba, aksaya lang ito ng oras at panahon. Para san ba ang pagsusulat na ito kung wala ka din namang mambabasa? Pero para sa akin, ito ay isang paraan para mailabas ko ang saloobin ko. Parang kaibigan na pinaghihingahan mo ng sama ng loob at kung anu pa.
Parang hobby mo lang. Kung sa'yo ay photography, origami, DOTA man yan or kung anu pa. Ito naman ang sa akin. Ito yung tipo ng hobby ko na hindi ko laging nagagawa. Masasabi ko nga na ako ay isang Pilipino kasi ako yung tipong "ningas kugon". Sana nga eh magtuloy tuloy ako sa pagkakataong ito.
Magpapasalamat lang pala ako sa isang kaibigan na nag bigay daan para ako makapag sulat sa blog na ito. Maraming salamat sa'yo. Itago na lang natin sya sa pangalang Lord Maximus Butch Noel Villaflores. Balang araw ay mababasa mo din itong sinulat kong ito. Hehehehe.
Wednesday, March 02, 2011
Marso na wala pa din akong trabaho. Hindi ko alam kung sadyang napagod na ako magtrabaho o sadyang tinamad lang talaga ako. Marami akong pwedeng pasukan na trabaho pero ewan ko ba. Isa na dyan ang Teleperformance sa SM Fairview. Ang lapit na nya kung tutuusin pero tila tinatamad pa din akong puntahan sya. Wala akong motivation sa ngayon na mag trabaho. Nakakapang hinayang lang at umalis akong bigla sa Stream Global Services. Marahil ay nabwisit na ako sa TL kong bobo ko ng maituturing. Sabi nga ng nakakarami, "hindi binibigay sayo lahat ni Lord." Kasi naman eh nasa position nga sya pero di naman nya alam panu gamitin ng tama. Ayoko na syang pag usapan pa....
Sa ngayon ay dalawang buwan na akong nakatambay sa bahay ng tatay ko. Minsan ay nasa Sta. Rosa, Laguna naman para dalawin ang girlfriend ko na pakakasalan ko na din ngayong taon na ito. Nakaka inis na nakakatuwa ang maging tambay eh. Sabihin na natin na may pera pa ako pero paubos na din halos at ito ay nasa savings namin para sa kasal. Ngayon eh may tampuhan pa kami. Anu ba naman ito.
Kailangan ko na mag trabaho. Pano po, mag jobstreet at jobsdb muna ako ha. hanggang sa muli.
Sunday, November 28, 2010
Matagal na din pala akong hindi nakapag sulat. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung saan magsisimula. Nawawala ako. Di ko alam kung saan patungo.
Sunday, November 01, 2009
Ang bagong simula..
(Unang Pahina)
Ngayon na lang ako muling nakapagsulat dito dahil na din sa hirap ng trabaho. Marami na din ang nawalan ng kabuhayan sa aming pagawaan.
Pero hindi yan ang dahilan kaya akong muling nagsulat. Gusto kong ibahagi sa lahat ang isang makulay na karanasan ko dito sa bayan ng Sta. Rosa, Laguna.
Simulan natin ng makilala ko ang isang babae (na lagi namang ganun ang nangyayari, pero hindi ito tulad ng isang pocketbook ng nanay mo or ng ate mo.). Dito ay nakilala ko ang isang babae na itatago natin sa pangalang "Precious".
Hindi sya tulad ng ibang nakilala ko na. Kung alam mo ang naging buhay ko noon, marahil ang sasabihin mo sa akin ay tinititigan ko nanaman sya. Na tila ako ay isang istatwa na lamang or isang may kapansanan na nabibingi tuwing nasa tabi ko sya. Sa pagkakataong ito, ako ay naglakas loob na. Naisip ko lang na ayoko na ding habang buhay na talunan. Sabi nga sa wikang Engles, "i'll take my chances".
Nagsimula ito ng kausapin nya ako tungkol sa "regularization" ng mga tao ko (Oo, ako ay isang supervisor na). Sinagot ko naman sya tulad ng pag sagot ko sa ibang mga nagtatanung sa akin. Trabaho lang po, di pa ito personalan.
Nasundan ito ng pag aya ko sa kanya ng paninigarilyo (dahil nakita ko sya na nagyoyosi, at hindi ako ang B.I. Hahahaha).
Nalaman ko na may kasintahan na pala sya….
Ako ay may naramdamang sakit… natakot ako dahil ito ay sa dibdib. Ang sakit na pumatay sa aking tiyuhin may ilang taon pa lamang ang nakalipas. Na tumama din sa aking ama. Na tila nararamdaman din ng ilan pang kaanak namin. Tumungo ako sa malapit na hospital at doon ay sinamahan ako ni Precious. Noon ding araw na yun ay umuwi sya kasama ko (kung iniisip mo na may nangyari, nagkakamali ka.).
(Itutuloy.....)
Saturday, August 04, 2007
Nagtatanung ako lagi, para akong KSP (kulang sa pansin) pag nandyan ka. Pag wala na, parang tanga naman.
Kelan mo ba ako mapapansin? Lagi na lang ba akong magiging ganito sa buhay mo.
